Home » » Tagalog News: Pagbabawal ng Pangulo sa small scale mining sa Surigao

Tagalog News: Pagbabawal ng Pangulo sa small scale mining sa Surigao

Manila (26 November) -- Ipinag-utos kamakailan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Surigao Police Regional Director P/Chief Superintendent Jaime E. Milla, na paigtingin ang pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa small-scale mining activities sa Surigao del Norte upang mapigilan ang patuloy na pagkalagas ng mga buhay at pagbaba ng pagkasira ng mga ari-arian sanhi ng illegal mining activities.

Ang nasabing kautusan ay ipinalabas ng Pangulong Arroyo kasunod ng pagkamatay ng limang minero na nagsagawa ng illegal mining activities at ng dalawang babaeng biktima ng landslides sa Brgy. Cagniog, Surigao City kamakailan.

Ang Surigao City at Surigao del Norte ay kinilala na bilang 'no mans land' o permanent danger zone sa isinagawang Geo-hazard mapping ng DENR-MGB kamakailan, kung kaya't ipinag-utos din ng Pangulo ang sapilitang pagpapaalis ng mga naninirahan malapit sa hazardous areas upang maiwasan ang naka-ambang panganib na maaari pang dumating sa mga residente ng Surigao.

Share:

No comments:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

Name

Email *

Message *

About Us

Your news and information authority

Categories

Blog Archive

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger