Home » » 7 artista kasama sa pinagpipilian ng Lakas sa 2010 polls

7 artista kasama sa pinagpipilian ng Lakas sa 2010 polls

Pitong artista ang kasama sa pinagpipilian ng Lakas-CMD na ilalaban sa 2010 senatorial race, batay sa ipinalabas na “long list" ni Speaker Prospero Nograles nitong Martes.

Sa pahayag, tiyak na umanong makakasama sa 12-man senate slate ng Lakas ang mga reelectionist senators na sina Juan Ponce Enrile, Richard Gordon, Lito Lapid, Ramon 'Bong Revilla Jr., at Miriam Defensor Santiago.

Bukod kina Lapid at Revilla, ang iba pang artista na kasama sa pinagpipilian ay sina Batangas Gov. Vilma Santos, beauty queen Margie Moran Floirendo, Optical Media Board Chairman Edu Manzano, movie actress Dawn Zulueta, at TV host Tito Sotto.

Kasama rin sa listahan ang mga kongresista na sina Reps Ruffy Biazon (Muntinlupa), Mark Cojuangco (Pangasinan), Jack Duavit (Rizal), Monico Fuentevella (Bacolod), Neptali Gonzales Jr. (Mandaluyong), Abraham Mitra (Palawan), Ferdinand Marcos Jr. (Ilocos Norte), Martin Romualdez (Leyte), Rene Velarde (Buhay), Ed Zialcita (Las Pinas) at dating Speaker Jose de Venecia Jr.

Pinagpipilian din ang mga kasapi ng Gabinete na sina Environment Sec. Lito Atienza, Press Secretary Jess Dureza, Health Secretary Francisco Duque, Education Sec. Jesli Lapus, Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman, Local Government Sec. Ronnie Puno, Energy Sec. Angie Reyes, Defense Sec. Gilberto Teodoro, Agriculture Sec. Arthur Yap, Immigration Commissioner Marcelino Libanan at GSIS General Manager Winston Garcia.

Nasa listahan din sina Surigao del Norte Gov. Ace Barbers, Cebu Gov. Gwen Garcia, Davao del Norte Norte Gov. Rodolfo del Rosario, Camarines Sur Gov. Elray Villafuerte, Cebu Mayor Tommy Osmena, Quezon City Mayor Sonny Belmonte, at Marikina Mayor Marides Fernando.

Ikinukonsidera rin sina dating Rep. Prospero Pichay, dating presidential spokesman Mike Defensor, dating Sens Ralph Recto at Heherson Alvarez.

Sinabi ni Nograles na maaga silang maghahanda upang hindi maulit ang nangyari noong 2007 elections kung saan hindi umano kaagad nila nasala ang kanilang mga kandidatong senador na nakasama sa Team Unity ticket.

Bibigyan din umano ng pagkakataon ang mga nasa mahabang listahan upang palakasin ang kanilang “awareness" at “name-recall" sa publiko. Ang mataas na awareness, acceptability, at winnability ratings ang magiging basehan upang maisama sa 12-man senate ticket, ayon kay Nograles. (GMANews.TV)
Share:

No comments:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

Name

Email *

Message *

About Us

Your news and information authority

Categories

Blog Archive

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger