Inihayag ng Mining Embassy na balak ng British mining company Anglo-Americans na mamuhunan ng limang daang dolyar sa copper gold mine sa Surigao del Norte.
Ngunit binigyang diin din ng mining embassy na pansamantala muna nitong susuriin upang masegurong mayroong sapat na mineral reserves ng sa gayon ay maumpisahan na ang operasyon sa lugar sa pakikipagtulungan ng Philex Mining at Manila Mining.
Ayon pa kay UK Ambassador Peter Beckingham, sa pagsisimula ng operasyon sa lugar inaasahang magbubukas ito ng 2,500 trabaho sa mga mamamayang nakatira malapit sa mining site.
Ang Surigao del Norte at iba pang kalapit lugar ay napabilang sa sampung pinakamahirap na bayan sa bansa na may mataas na illiteracy rate at lubos na nangangailangan ng health care services. (pia)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق