Home » , , , , , , » Detachment ng militar sa Siargao, Surigao del Norte pinapalipat ni Barbers

Detachment ng militar sa Siargao, Surigao del Norte pinapalipat ni Barbers

GUSTONG ipalipat ni Gov. Robert Ace Barbers ang detachment ng Philippine Army na inilagay sa Siargao Island, Surigao del Norte.

Ayon kay Barbers, maraming mga reklamo ang ipinaabot ng iilang mga turista na diumano’y silay natatakot sa maraming nakikitang mga naka-unipormeng militar.

Binigyang diin ni Barbers na gusto niyang protektahan ang Tourism Industry at interes ng local na pamahalaan lalo na’t gumastos na ng milyong piso para makilala ito bilang isa sa mga tourist destinations at posibling masira dahilan sa takot ng mga turista sa mga militar.

Tinukoy nito, sa buong probinsiya dalawang industriya ang ipinagmamalaki, una ang sa Mining at ikalawa ang turismo.

Ngunit diumano’y nanganganib ito na biglang mawala lalo na sa mga reklamo laban sa pagsasagawa ng checkpoint sa Siargao.

Dagdag pa nito, baka isipin ng mga local at foreign tourist na may Insurgency sa isla dahil may mga militar.

Alegasyon pa nito, posibleng ipinag-uutos ng isang malaking pulitiko sa Siargao ang pagsasagawa ng checkpoint lalo pa’t malapit sa bahay nito ginagawa ang pag-iinspeksiyon sa lahat ng mga sasakyan na dumadaan.

Sa unang Peace and Order Council meeting, sinuportahan ni Gov. Barbers ang resolusyon na pinangunahang ipasa ni Vice Gov. Noel Catre na humihiling sa pamunuan ng Phil. Army na ilipat ang detachment mula sa Siargao Island at dito na lamang sa mainland ng Surigao del Norte ilalagay dahil diumano’y walang banta sa seguridad na nakikita.

Dito sa mainland mas kailangan ang mga militar base na rin sa intelligence report na ilang bayan ng probinsiya ay may mga namataang mga hinihinalang New People’s Army (NPA).

Inihayag nito na isang isla ang Siargao kaya walang kagubatan na magtatago sa mga rebelde kung sakaling aatake ang mga ito gaya noong 2006.

Posibleng hindi na rin pupunta pa ng Siargao ang mga rebelde lalo na’t simula noong nangyari ang pag-atake sa mga Municipal Stations ng Dapa at Gen. Luna ilang taon na ang lumipas nakaalerto na ang mga Regional Mobile Group na inilagay doon. (rmn.ph)
Share:

1 comment:

Anonymous said...

ano ang ibig sabihin pag ilipat ang military detachment galing sa isla ay dahil mas may threat sa mainland? ano ba naman yan? tingnan na lang nila ang kabuoan ng peace and order situation both in mainland and the island municipalities. Walang halong politika kundi ang kapakanan ng mga mamayan ng surigao province. Every citizen deserve to live a decent and peaceful life. Free from political goons, and supporters from the left and right sides ...

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

Name

Email *

Message *

About Us

Your news and information authority

Categories

Blog Archive

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger