Home » , , , » Mga opisyal ng Surigao del Norte nagkakairingan na

Mga opisyal ng Surigao del Norte nagkakairingan na

BAGAMA’T tatlong buwan pa bago ang eleksiyon, ilang mga opisyal sa Surigao del Norte ang nagkaka-iringan na.

Pinakabago nito ang isyu sa pagpasa ng Sangguniang Panlalawigan sa isang resolusyon sa pag-ratipika ng dagdag na loan ng local na pamahalaan ng P20 million sa Philippine National Bank (PNB) para sa karagdagang istraktura sa Provincial Sports Complex.

Ito’y matapos sinabi ni Board member Cesar Bagundol ng District 1 na sila sa oposisyon ay natatakot na ito’y magagamit na pondo sa nalalapit na eleksiyon.

Binigyangdiin nito na sa votation na nangyari sa Sangguniang Panlalawigan sila sa oposisyon ay hindi pabor sa dagdag na pangungutang ngunit dahil Minority ay nanalo pa rin ang nakararami na miyembro ng Administrasyon.

Samantala sinabi naman ni Vice Gov. Noel Catre na walang basehan ang mga pagdududa ng oposisyon dahil hindi magagamit ang P20 million sa eleksiyon.

Ayon pa kay Catre, ibabayad sa Contractor sa Provincial Sports Complex na naunang gumasta ng naturang halaga sa mga dagdag na istraktura na inilagay.

Tinukoy na posibleng magkaroon ng kaso ang local na pamahalaan mula sa Contractor kung hindi ito mabayaran.

Diumano’y walang legal at factual bases ang mga pagdududa. Ang loan diumano’y hindi ipapalabas ng bangko kung walang program of work, hindi rin ito magagamit sa pulitika dahil ang PNB ang mamamahala sa pag-release sa pondo.

Sinabi naman Governor Robert Ace Barbers na hindi ito bagong Loan kaya nga ratipikasyon sa resolusyon ang ginawa ng Sangguniang Panlalawigan dahil ito’y inutang noong nakaraang taon pa nang matapos na ang Provincial Sports Complex epekto ng mga Adjustment at additional works na ginawa.

Dagdag pa nito, hindi nangangahulugan na kung ma-release na ang pondo ito’y makukuha at magagamit na sa eleksiyon, may mga Procedures na sinusunod at ito’y para sa proyekto sa Provincial Sports Complex, walang kinalaman sa pulitika. (RMN)
Share:

ليست هناك تعليقات:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger