IPAPASARA ang iilang bahagi ng daan sa Surigao City sa nalalapit na Pebrero 23 sa pagsasagawa ng Streetdancing Competition sa Calagan Festival.
Ito ay bilang bahagi ng mga aktibidad sa WOW Caraga na kung saan ang lungsod ang Host ngayong taon.
Ang mga ipapasara na mga daan mula alas 2 hanggang alas 4 ng hapon kinabibilangan ng City Boulevard, P. Reyes-Borromeo, Borromeo-Rizal, City Hall, Rizal St. patungong Provincial Sports Complex.
Ayon kay Roselin Merlin, Senior Tourism Officer ng Surigao City, ibayong preparasyon na ang isinasagawa lalo pa’t espesyal na magiging bisita si Department of Tourism (DOT) Secretary Joseph Ace Durano.
Muling nagpulong naman ang mga opisyal ng Surigao Tourism Council kasama ang Philippine National Police (PNP) upang talakayin ang ilang security measures.
Sa Calagan Festival, ang mga kasali ay mga probinsiya at lungsod ng Caraga Region kagaya ng Bislig, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao City, Surigao del Norte at iba pa. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق