Home » , , » Mayor Casurra ng Surigao city, may hamon sa kanyang mga kritiko

Mayor Casurra ng Surigao city, may hamon sa kanyang mga kritiko

Nagsalita na si Surigao city mayor Alfonso Casurra hinggil sa mga balitang suportado siya ng New Peoples Army.

Sinabi ni Casurra na simula nang pumasok siya sa pulitika ay ito na ang palaging ibinabato sa kanya para sirain ang kanyang kandidatura.

Sa kabila nito, sinabi ni Casurra na mas mabuti nang akusahan siyang sinusuportahan ng NPA kaysa isangkot siya sa sindikato ng illegal drugs, carnapping at kidnapping.

Naniniwala si Casurra na naiinggit lang ang taong nagpapakalat ng maling impormasyon habang hinamon niya ang mga ito na kunin na lang ng mga ito ang suporta ng NPA.

Si Casurra ay kumakandidato ngayon bilang kongresista ng district 2 ng Surigao del Norte. (rmn)
Share:

ليست هناك تعليقات:

Popular Posts

Featured

Surigao City offers free palay hauling assistance for farmers

Surigao City – The Local Government of Surigao City, through the City Agriculture Office, is extending its full support to local farmers wi...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Copyright © 2025 SURIGAO Today | Powered by Blogger