NAGULAT ang mga opisyal ng Dinagat Province sa ipinalabas na desisyon ng Korte Suprema na nagbabalik sa kanila sa Mother Province ang Surigao del Norte.
Ayon kay Gov. Jade Ecleo hindi pa nila natanggap ang kopya ng desisyon ngunit nakatakda silang magsampa ng Motion for Reconsideration.
Diumano’y kasalukuyang nasa Maynila siya ngayon kasama ang mga Legal Counsel upang asikasuhin ang naturang kaso.
Inihayag rin ni Congresswoman Glenda Ecleo ng Dinagat na hindi niya alam ang desisyon at patuloy pa silang naghihintay sa magiging bagong development sa kaso.
Nangangamba ang mga naturang opisyal sa magiging epekto ng desisyon ng mataas na korte lalo na’t nalalapit na ang eleksiyon.
Kung matatandaan, sa desisyon ng Korte Suprema, 9 ang pabor 4 ang hindi pabor at 2 ang nag-abstain na mga Justices sa petisyon na isinampa nila ni dating Vice Governor Rodolfo Navarro, dating Board members Victor Bernal at Rene Medina na kumukwestiyon sa pagbuo ng Dinagat bilang bagong probinsiya dahil diumano’y hindi ito kwalipikado sa Population at Land Area.
Ayon kay Atty. Bernal matapos ang ilang taon na paghihintay simula pa noong 2002, naging paborable sa kanila ang desisyon ng mataas na korte.
Dagdag pa nito, kung magsasampa ng Motion for Reconsideration ang mga Ecleo sa naturang desisyon ay inaasahan nilang madali itong maresolba ng korte lalo pa’t iilang buwan na lang eleksiyon na. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق