PLANO ngayon ng National Food Authority (NFA) sa Surigao del Norte na mag-angkat ng asukal sa susunod na mga araw.
Ayon kay Bob Pareja, ang NFA Provincial Director nakikita nila ang kakulangan at pagmahal ng presyo sa asukal dito sa probinsiya.
Sa impormasyon na nakuha ng RMN, ang puting asukal ay umaabot na sa P54 bawat kilo samantalang ang Brown sugar mula P42 hanggang P45 na bawat kilo.
Tinukoy ni Pareja, sa Thailand pa iaangkat ang asukal base na rin sa naunang plano ng NFA National Office.
Dagdag pa nito, sa Surigao del Norte sa inisyal na pag-aangkat planong aabot ito sa 400 sako ng asukal nang matugunan ang pangangailangan dito sa probinsiya. (rmn)
No comments:
Post a Comment