Patuloy na pinag-aaralan ng pamunuan ng Phil. Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOCS ang galaw ng Phil. Fault Zone kung saan kasali ang Surigao.
Ayon kay Robinson Gorgio, mula pa noong 2006, nagsimula na silang pag-aralan ang Surigao Fault lalo na’t sa nakaraang mga araw niyanig na naman ito ng magnitude 4 na lindol.
Tinukoy ni Gorgio na hindi maikakaila na kung may paggalaw sa Phil. Fault Zone apektado rin ang Surigao dahil ito’y karugtong ng naturang Fault.
Payo ni Gorgio na ang magagawa na lamang ng mga tao ang maghanda kung sakaling darating ang kalamidad gaya ng lindol, ito’y sa pamamagitan sa paniniguro na matibay na mga gusali na tinitirhan at ang hindi pag-panic kung mararamdaman ang paggalaw ng lupa. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق