Dismayado ang maraming biyahero sa Surigao City matapos magkansela ng biyahe ang mga eroplano kahapon, Feb. 19 dahil sa masamang panahon.
Sa report ni Gay Tiu ng RMN Surigao, patuloy ang pag-ulan sa lugar kaya kahit ilang beses na nag-attempt ang mga eroplano na mag-take off paluwas ng Maynila ay bigo pa rin ang mga ito dahil sa masamang panahon.
Ipinaliwanag naman ng PAGASA-Surigao na inaasahang magpapatuloy ang abnormal na panahon sa lugar hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan o posibleng abutin pa ng hanggang Marso.
Magugunitang Bilyong Piso na ang halaga ng mga pananim na nasira dahil sa El Niño phenomenon sa ilang lalawigan sa bansa habang sa Surigao ay patuloy ang pag-ulan. (rmn)
1 comment:
Salamat Lord sa uyan kuman na panahuna kay sa iban na lugar grabe gajud kainit. Hatagi sab an iban lugar na nagkinahanglan nan uyan Lord.
Post a Comment