Home ยป , , ยป BJMP regional director, tiwalang hindi pa nakalabas ng Surigao ang tumakas na inmate

BJMP regional director, tiwalang hindi pa nakalabas ng Surigao ang tumakas na inmate

Nabago ngayon ang paniniwala ng Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology na si Atty. Rex Delarmente at sinasabi nang posibling hindi pa nakalabas ng Surigao del Norte ang nakatakas na babaeng inmate mula sa Surigao City Jail na kinilalang Rachel Manzanares alias Rose Cinco na may mga kasong Estafa at Carnapping.

Ayon kay Atty. Delarmente, may mga impormasyon silang natanggap na andito pa sa probinsiya sa isang bayan si Manzanares kaya patuloy pa nilang minamanmanan.

Diumanoโ€™y inaasahan nila na isa sa mga araw na ito mahuhuli rin ang suspek at maibalik sa bilangguan.

Inamin ng BJMP Regional Director na may lumalabas ngayon na alegasyon at impormasyon na hawak ng sindikato at may koneksiyon o protector na isang pulitiko si Manzanares ngunit gagawa sila ng kongretong aksiyon para itoโ€™y mahuli.

Dagdag pa ni Atty. Delarmente, sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan nila ang dalawang opisyal ng BJMP na sangkot sa pagkakatakas na sina Jail Warden Inspector Reynaldo Balmore at SJO2 Julian Sanchez, diumanoโ€™y Restricted na ang mga ito at inirekomenda nang sasampahan ng kasong administratibo at criminal epekto sa pagkakatakas ni Manzanares. (RMN)
Share:

ู„ูŠุณุช ู‡ู†ุงูƒ ุชุนู„ูŠู‚ุงุช:

Popular Posts

Featured

Surigao City offers free palay hauling assistance for farmers

Surigao City โ€“ The Local Government of Surigao City, through the City Agriculture Office, is extending its full support to local farmers wi...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

ุงู„ุงุณู…

ุจุฑูŠุฏ ุฅู„ูƒุชุฑูˆู†ูŠ *

ุฑุณุงู„ุฉ *

About Us

Your news and information authority

Categories

ุฃุฑุดูŠู ุงู„ู…ุฏูˆู†ุฉ ุงู„ุฅู„ูƒุชุฑูˆู†ูŠุฉ

Copyright ยฉ 2025 SURIGAO Today | Powered by Blogger