NANAWAGAN ngayon si Surigao City Mayor Alfonso Casurra sa Commission on Elections (Comelec) na umaksyon sa natuklasang mga double Registrants sa buong lungsod at ikalawang distrito ng probinsiya.
Ayon pa sa kanya, base sa listahan na nakuha niya umaabot sa mahigit 1,000 mga double Registrants.
Tinukoy ni Mayor Casurra, may mga pangalan ng mga botante mula sa iba’t-ibang bayan, ang dalawang beses na nagpa-rehistro sa lungsod at sa ibang bayan.
Diumano’y posibleng lumipat ng ibang lugar ang mga botante ngunit hindi nakansela ang kanilang pangalan sa orihinal na pinagmulang voting precinct.
Ang malaking tanong ayon sa alkalde kung dalawang beses ba ring makakaboto ang naturang mga tao.
Dagdag pa ni Mayor Casurra, ito’y hindi makatarungan hindi lamang sa kanilang grupo kundi sa lahat ng mga kumakandidato at baka dalawang beses talaga na makaboto ang mga Double Registrants.
Si Mayor Casurra ay tumatakbo ngayong Congressman ng District 2 ng Surigao del Norte. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق