PINANGUNAHAN ng mga opisyal ng Phil. National Police ang pagpapapirma sa isang Covenant sa iilang mga kumakandidato sa Mayo 10 na eleksiyon.
Ito’y sa pamamagitan ng pagpapangako sa mga tumatakbo sa iba’t-ibang local na posisyon na gagawin nila ang lahat nang masiguro na may Honest, Orderly at Peaceful Elections (HOPE).
Binigyang diin ng Chief of Police ng Surigao City Col. Arthur Sanchez, ito’y pagsunod sa direktiba ng PNP National Headquarters para sa programang HOPE lalo na’t nalalapit na ang eleksiyon.
Base sa record, ang mga unang pumirmang mga kandidato kinabibilangan nina incumbent Surigao City Vice Mayor Rico Salvador Sering, Surigao del Norte Gov. Robert Ace Barbers, kapatid nitong si dating Gov. Robert Lyndon Barbers, at mga City Councilors na sina Danilo Menor, Luceniano Lancin at iba.
Sa ngayon, patuloy pang inilibot ang naturang Form sa Covenant para sa ibang mga kumakandidato dito sa Surigao. (rmn)
No comments:
Post a Comment