Home » , , , » Mahigpit na pagbabantay sa seguridad ngayong Semana Santa, ipinatutupad sa Surigao City

Mahigpit na pagbabantay sa seguridad ngayong Semana Santa, ipinatutupad sa Surigao City

Ipinatutupad sa Surigao City ang mahigpit na pagbabantay sa seguridad sa selebrasyon ng Semana Santa.

Ayon kay Police Senior Inspector Ruben Daraman, OIC ng Surigao City Police Station, simula pa noong Marso 29 hanggang sa Abril 4, ipinatutupad na nila ang Oplan Holy Week.

Sa naturang Oplan, nakasaad ang mga preparasyon at pagpapatupad nila ng pagbabantay sa iilang lugar sa lungsod.

Isa na dito ang paglalagay ng ilang naka-uniporme na mga pulis sa iba’t-ibang simbahan, mga bangko, pantalan, Bus and Jeepney Terminal lalo na sa mga checkpoints gaya sa Ceniza-Brgy. Cagniog, Brgy. Ipil, Brgy. Luna at kung saan-saan pa.

Diumano’y nakabantay sila laban sa masasamang loob na posibleng magsagawa ng masamang balak lalo na’t maraming mga tao sa ngayon.

Inihayag rin ni Police Chief Inspector Rudy Elandag ng PNP Prov’l Police Office, nakaalerto rin sila sa buong probinsiya.

Lalo pang dinagdagan ang mga pulis na inilagay sa iba’t-ibang bayan ng Surigao del Norte at pina-igting rin ang Police visibility nang masiguro at pananatili ang Peace and Order. (rmn)
Share:

ليست هناك تعليقات:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger