BINAKLAS na simula pa kahapon sa Surigao ang ilang mga election paraphernalia’s na hindi nakalagay sa designated poster areas.
Pinangunahan ng ilang mga tauhan ng Commission on Elections ang pagtanggal.
Umaabot pa sa dalawang sasakyan ang ginamit sa pagbabaklas.
Ayon pa sa election officer ng Surigao City na si Atty. Novern Irish Pasco, kailangan ang pagtanggal sa naturang election paraphernalia’s lalo na’t iligal ang pagkakalagay sa mga ito at hindi sa designated areas.
Diumano’y maraming mga basura ang kanilang nakolekta kahapon at aasahan pang dadami pa sa susunod na mga araw.
Dagdag pa nito, pinadalhan na rin ng Comelec ng notice ang ilang local na kandidato lalo na ang may mga malalaking sizes sa posters, streamers, at tarpulins na inilagay sa iba’t ibang lugar.
Sumunod naman ang karamihan at boluntaryo na tinanggal ang mga ito. (rmn)
No comments:
Post a Comment