Home » , , , , » Mga election posters, streamers at paraphernalia’s sa Surigao, pinagbabaklas

Mga election posters, streamers at paraphernalia’s sa Surigao, pinagbabaklas

BINAKLAS na simula pa kahapon sa Surigao ang ilang mga election paraphernalia’s na hindi nakalagay sa designated poster areas.

Pinangunahan ng ilang mga tauhan ng Commission on Elections ang pagtanggal.

Umaabot pa sa dalawang sasakyan ang ginamit sa pagbabaklas.

Ayon pa sa election officer ng Surigao City na si Atty. Novern Irish Pasco, kailangan ang pagtanggal sa naturang election paraphernalia’s lalo na’t iligal ang pagkakalagay sa mga ito at hindi sa designated areas.

Diumano’y maraming mga basura ang kanilang nakolekta kahapon at aasahan pang dadami pa sa susunod na mga araw.

Dagdag pa nito, pinadalhan na rin ng Comelec ng notice ang ilang local na kandidato lalo na ang may mga malalaking sizes sa posters, streamers, at tarpulins na inilagay sa iba’t ibang lugar.

Sumunod naman ang karamihan at boluntaryo na tinanggal ang mga ito. (rmn)
Share:

ليست هناك تعليقات:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger