UMARANGKADA na sa pangangampanya ang mga local na kandidato sa Surigao.
Ang mga kaalyado ng partido Nacionalista ay sinimulan ang pangangampanya sa pamamagitan ng isang misa na isinagawa sa City Cathedral, sinundan ng hand shaking activity sa iba’t-ibang mga ahensiya ng gobyerno at Motorcade hanggang sa iba’t ibang bayan ng Surigao del Norte.
Umaabot sa 350 na mga sasakyan ang sumali sa motorkada, suot-suot ng mga kumakandidato ang kulay orange na mga t-shirt.
Samantala, ang mga local na tumatakbo sa ilalim ng Partido Liberal, sinimulan ang pangangampanya sa rally na isinagawa sa iba’t-ibang island brgys. ng Surigao City.
Dinalaw ng mga ito ang mga Barangay ng Alang-Alang, Buenavista at Baybay.
Ang mga local na kandidato naman ng Lakas-Kampi-CMD ay diumano’y bukas pa magsisimula sa paglilibot lalo na’t karamihan sa mga opisyal nito ay mangggagaling pa sa Maynila at bukas pa darating.
Ang local na kumakandidato sa Partido ng Masang Pilipino ay wala pang schedule sa kanilang pangangampanya.
Simula pa kaninang madaling araw, nagkalat na ang iba’t ibang posters, streamers at tarpulins ng mga local na kandidato. (rmn)
No comments:
Post a Comment