Hindi na matutuloy ang pagpapa-relieve sa Chief of Police ng Surigao City.
Ito ang inamin ng PNP Provl. Director PS/Supt. Gilbert Cruz.
Tinukoy nito, opisyal na mananatili sa posisyon bilang Chief of Police ng lungsod si PSupt. Arthur Sanchez matapos na na-Assign sa Region 3 ang papalit sana na si PSupt. Richard dela Rosa.
Inihayag nito, personal na bumisita sila kahapon kay Surigao City Mayor Alfonso Casurra para ipaalam ang bagong impormasyon.
Kung matatandaan, naunang inihayag ng alkalde ang pagkakadismaya matapos nalaman ang plano ng PNP na palitan ang kasalukuyang Chief of Police dahil diumano’y maganda ang Performance ni Supt. Sanchez at gusto sana niyang hanggang sa Hunyo 30 pa ito mananatili sa Surigao City lalo na’t sa naturang panahon, matatapos na rin ang kanyang panunungkulan sa ikatatlong termino bilang City Mayor.
Binigyang diin ni Sr Supt. Cruz, walang Political Pressure na nangyari kaya hindi natuloy ang pagpapa-relieve sa Chief of Police ng lungsod. (RMN)
No comments:
Post a Comment