HANGGANG sa mga oras na ito ay patuloy na ini-imbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pinakabagong pagnanakaw sa kawad ng kuryente sa Brgy. Luna, Surigao City.
Ayon sa Chief of Police na si Col. Arthur Sanchez, matapos may nagsumbong na ninakaw ang umaabot sa 200 hanggang 300 metro sa kawad ng kuryente, kaagad siyang nagpadala ng mga tauhan para sa masusing imbestigasyon.
Diumano’y may lead na sila sa naturang pagnanakaw at hinihintay na lamang ang pagbibigay ng statement ng isang witness na positibong magtuturo sa suspek.
Kung matatandaan noong mga nakaraang taon, iilang barangay sa lungsod ang pinagnakawan na rin ng linya ng kuryente gaya ng Brgy. Lipata, Brgy. Rizal, Brgy. Ipil at iba pa.
Tinukoy ng mga otoridad na habol ng mga magnanakaw ang nasa loob ng mga kawad ng kuryente, ang mga bronze wirings na ipinagbibili ng mahal bawat kilo sa iba’t-ibang lugar sa Mindanao. (rmn)
No comments:
Post a Comment