Itinulak ni Nacionalista Party Presidential candidate Manny Villar na isapribado na ang National Power Corporation para maibsan ang nararanasan ngayon krisis sa elektrisidad.
Ito ang nakikitang solusyon ni Sen. Villar kaugnay sa patuloy na paglawak ng problema sa elektrisidad sa buong bansa.
Aniya, hindi na daw kasi kaya ng pamahalaan na tustusan pa ang operasyon ng NAPOCOR at kailangan na itong isapribado ng gobyerno.
Sa pag-iikot ni Villar dito sa Caraga region, nadiskubre niya na umaabot na ng hanggang labing dalawang oras ang power interruption partikular na sa Surigao del Norte.
Dahil dito, apektado na ang sektor ng agrikultura, pagmimina at mismong ang turismo sa buong Caraga region dahil sa nagaganap na power interruption.
Una dito, nanindigan si Villar kasama ang kanyang runningmate na si Sen. Loren Legarda na hindi na kailangan pang bigyan ng emergency power si Pang. Gloria Arroyo para lamang solusyunan ang energy crisis. (rmn)
No comments:
Post a Comment