Home » , , » Renewable Energy Act, dapat nang ipatupad - Legarda

Renewable Energy Act, dapat nang ipatupad - Legarda

Kinalampag ni Nacionalista Party Vice Presidential candidate Loren Legarda ang pamahalaan na agaran na nitong ipatupad ang renewable energy act para tugunan ang lumalaking energy crisis.

Ayon kay Legarda, maraming batas ang inaprubahan ng Kongreso para sa krisis sa enerhiya ngunit hindi lamang ito ginagamit ng Malakanyang.

Sa ilalim ng Renewable Energy Act, pinupursige ang pamahalaan na gamitin ang lahat ng natural resources para makatulong sa pagkakaroon ng dagdag enerhiya.

Sa rehiyon ng Mindanao, maaari umanong palakasin ng Gobyerno ang Hydroelectric Power Industry partikular na ang Ma. Cristina falls na nasa Iligan city at Mainit lake na nasa Surigao del Norte.

Sa pamamagitan ng Hydro Electric Power, hindi na umano kailangan ng langis para makakuha ng elektrisidad at ang dapat lamang gawin ng Gobyerno ay dagdagan ang mga kagamitan para mapalakas ang operasyon nito.

Si Legarda kasama ang kanyang Presidential candidate na si Manny Villar ay kasalukuyang nag-iikot sa Caraga region para alamin ang sitwasyon ng mga taga-Mindanao at tugunan ang kanilang mga pangangailangan sakaling sila ang manalo sa nalalapit na halalan. (rmn)
Share:

No comments:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

Name

Email *

Message *

About Us

Your news and information authority

Categories

Blog Archive

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger