UMUPO na sa posisyon ang bagong talagang Chief of Police ng Surigao City na si Police Chief Inspector Charlie Cabradilla.
Ito’y matapos ang kontrobersiyal na pagpapalit sa puwesto sa dating namumuno na si Col. Arthur Sanchez.
Kung matatandaan, naunang naghayag si Surigao City Mayor Alfonso Casurra sa pagkakadismaya sa pagpalit ng dating Chief of Police dahil diumano’y maganda naman ang performance nito.
Ayon pa sa alkalde, wala siyang personal na galit kay Chief Inspector Cabradilla kung hindi ang proseso sa paglalagay ng bagong mamumuno ng City PNP.
Tinukoy nito, wala siyang natanggap na kopya ng order sa pagpapalit ng Chief of Police.
Diumano’y parang diaper ng isang bata ang pagpalit at siya bilang Local Chief Executive ay ginawang bata na hindi man lamang ipinaalam.
Bagaman ganito ang nangyari, itinanggi ni Mayor Casurra ang isyu na babawiin na ng local na pamahalaan ang taunang suporta na ibinibigay sa PNP.
Si Police Chief Inspector Cabradilla ay dating Intelligence Officer ng PNP Prov’l Police Office.
Sa record ng PNP sa probinsiya, ang assignment order ng bagong Chief of Police sa Surigao City ay inaprubahan ng Commission on Elections. (rmn)
No comments:
Post a Comment