Walang positibong resulta ang naging dayalogo kahapon ng mga nagwewelga na mga manggagawa sa loob ng Phil. Ports Authority (PPA) sa Surigao.
Ito’y matapos ang pagpupulong na isinagawa sa opisina ni Mayor Alfonso Casurra kasama ang mga opisyal ng Phil. Ports Authority, Dept. of Labor and Employment, Phil. National Police, Legal Counsel sa nagwewelga na si Atty. Joe Begil at Legal Counsel naman ng Prudential Customs Brokerage and Steevedoring Incorporated na si Atty. Rene Medina.
Sa impormasyon na nakalap ng RMN, bagama’t umaabot hanggang alas 9:30 kagabi ang negosasyon walang napagkasunduan ang dalawang grupo, kaya naman may ibang pagpupulong na naman ang isasagawa bukas.
Sa meeting naunang hiningi ng Prudential Steevedoring na habang isasagawa ang negosasyon sanay itigil muna ang piket sa loob ng pantalan ngunit hindi pumayag ang mga manggagawa.
Hanggang sa mga oras na ito, patuloy pa rin ang pagwewelga na isinagawa ng mga manggagawa at hinarangan ang entrance at exit sa Pier area. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق