INAMIN ng Officer in Charge ng Surigao City Police Station Police Senior Inspector Ruben Daraman na dalawang anggulo ang kanilang ini-imbestigahan sa nangyaring Robbery Hold Up sa Surigao City.
Kinilala ang biktima na si Elizaldo Dupan Bido ng Tubajon, Dinagat Province at Assistant Operations Manager ng isang Mining Company.
Si Bido ay natangayan ng P673,000 na isusuweldo sana samga kawani nito.
Ayon kay Daraman, una na anggulo ang posibleng may mga grupo o sindikato sa Dinagat Province ang gumawa sa krimen, pangalawa naman posibleng inside job ang nangyari lalo na’t may mga hindi magkakatugmang pahayag ang binigay ng biktima.
Tinukoy nito, isang team ang nakatakdang ipapadala sa Dinagat Province nang matanto ang sitwasyon.
Nanawagan din ito sa publiko na sana kung pupunta ng bangko at magwi-withdraw ng malaking halaga kailangan na may mga kasama o escort gaya ng miyembro ng PNP nang hindi na ulit mangyari ang robbery hold up. (rmn)
No comments:
Post a Comment