Home » , , , , » Iba’t-ibang anggulo, ini-imbestigahan ng PNP sa nangyaring robbery hold up sa Surigao City

Iba’t-ibang anggulo, ini-imbestigahan ng PNP sa nangyaring robbery hold up sa Surigao City

INAMIN ng Officer in Charge ng Surigao City Police Station Police Senior Inspector Ruben Daraman na dalawang anggulo ang kanilang ini-imbestigahan sa nangyaring Robbery Hold Up sa Surigao City.

Kinilala ang biktima na si Elizaldo Dupan Bido ng Tubajon, Dinagat Province at Assistant Operations Manager ng isang Mining Company.

Si Bido ay natangayan ng P673,000 na isusuweldo sana samga kawani nito.

Ayon kay Daraman, una na anggulo ang posibleng may mga grupo o sindikato sa Dinagat Province ang gumawa sa krimen, pangalawa naman posibleng inside job ang nangyari lalo na’t may mga hindi magkakatugmang pahayag ang binigay ng biktima.

Tinukoy nito, isang team ang nakatakdang ipapadala sa Dinagat Province nang matanto ang sitwasyon.

Nanawagan din ito sa publiko na sana kung pupunta ng bangko at magwi-withdraw ng malaking halaga kailangan na may mga kasama o escort gaya ng miyembro ng PNP nang hindi na ulit mangyari ang robbery hold up. (rmn)
Share:

ليست هناك تعليقات:

Popular Posts

Featured

Surigao City offers free palay hauling assistance for farmers

Surigao City – The Local Government of Surigao City, through the City Agriculture Office, is extending its full support to local farmers wi...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Copyright © 2025 SURIGAO Today | Powered by Blogger