Home » , , , , » Iilang mga naninirahan sa Surigao, nagrereklamo sa schedule ng brownout

Iilang mga naninirahan sa Surigao, nagrereklamo sa schedule ng brownout

NAGREREKLAMO ang iilang mga naninirahan sa Surigao sa schedule ng rotating brownout.

Sa sumbong na ipinaabot sa RMN Surigao, hindi diumano makatarungan na umaabot na sa dalawang beses sa loob ng isang araw ang brownout.

Kung noon, may schedule ng brownout sa umaga, ngayon kahit na hapon at gabi wala na ring kuryente.

Hinihingi ng mga tao na sana’y isang beses na lamang isagawa ang rotating brownout at sa umaga na lamang at hapon, huwag na sa gabi.

Tinukoy ng mga ito malaking perwisyo kung sa gabi dahil hindi nagagawa ang mga assignments ng mga bata at hindi makatulog dahil sobrang maalinsangan dahil wala man lamang electric fan at aircon dahil walang kuryente.

Si Board Member Melva Garcia ay nagtataka na rin sa sunud-sunod na brownout.

Hinimok nito ang mga negosyante, mga opisyal ng electric cooperative at ordinaryong mamamayan na manawagan na kay Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na gumawa ng paraan sa paghahanap solusyon sa problema sa power crisis.

Dagdag pa nito, nangangamba rin siya sa magiging epekto sa sunud-sunod na brownout sa nalalapit na halalan.

Sa naturang mga reklamo, sinabi ni Engr. Danny Escalante, ang General Manager ng Surigao del Norte Electric Cooperative na isang beses lamang ipinatutupad nila ang rotating brownout ngunit may mga pagkakataon na nagiging dalawa ito sa loob ng isang araw lalo na kung may ipinatupad rin na total brownout ang National Power Corporation.

Sa ngayon malaki ang kakulangan sa supply sa kuryente sa Caraga Region at umaabot na sa 700 megawatts. (rmn)
Share:

هناك تعليق واحد:

Semidoppel يقول...

Hi there fellow blogger! I made a poll and it is about your bet this coming 2010 election. The survey is very simple, choose your president and vice-president. As you can see, I just want two results, a president and a vice-president, these two are the most important because they are the persons who will finalize everything, from bills, laws, government projects, cabinet officials and other government-related issues. With this I can gather information and make a tally of your votes. Please visit the link to vote. Bloggers’ Choice This Coming 2010 Election

http://www.semidoppel.com/bloggers’-choice-this-coming-2010-election/

One more thing, is it ok if we exchange links?

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger