BINIGYANG diin ni Atty. Rex Delarmente, ang Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na handa na ang mga priso ng Surigao sa nalalapit na pagboto sa pinakaunang automated election.
Tinukoy nito, sa buong rehiyon ng Caraga umaabot sa 371 na mga preso ang boboto.
Sa naturang bilang 315 ay galing sa Butuan Jail, 29 naman sa Surigao, 21 sa Bislig City, 2 sa Tandag City at isa sa Madrid, Surigao del Sur.
Inihayag nito, ibayong preparasyon na ang kanilang isinagawa sa iba’t-ibang Jails para sa unang pagkakataon na makaboto ang mga priso sa pamamagitan ng automated election.
Dagdag ni Atty. Delarmente, sa araw mismo ng pagboto mas pa-iigtingin pa ang pagbabantay sa seguridad sa loob at labas ng mga piitan ng BJMP. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق