BALIK pangangampanya na simula ngayong araw, ang mga local na kumakandidato sa Surigao.
Sa impormasyon na nakuha ng RMN, ang mga kaalyado ng Nacionalista Party ay ipagpatuloy ang panunuyo sa may Hikdop Island ng Surigao City.
Samantalang ang mga kaalyado naman ng Lakas-Kampi-CMD ay magkahiwalay na mangangampanya, may grupo na nasa Siargao Island para sa handshaking activity at may maglilibot naman sa iba’t ibang bayan sa Mainland Surigao del Norte.
Ang mga kaalyado sa Liberal Party ay nasa tatlong island brgys. ng Surigao City sa pangangampanya.
Tinukoy ng mga ito, noong Holy Week pansamantalang tumigil muna ang kanilang paglilibot ngunit ngayong araw na ito, balik na naman at handang-handa sila sa pangangampanya nang makuha ang suporta at boto ng mga mamamayan sa Surigao. (rmn)
No comments:
Post a Comment