UMAABOT sa apat na araw nang walang kuryente ang mga naninirahan sa Siargao Island kaya marami sa mga ito ang nagrereklamo.
Ayon sa sumbong ng mga naninirahan simula pa noong Biyernes wala na silang linya ng kuryente dahil sa nasira ang Submarine Cable.
Inamin naman ng General Manager ng Siargao Electric Cooperative na si Sergio Dagooc ang naturang problema at pagkasira.
Tinukoy na hanggang sa mga oras na ito, hindi pa nila matukoy ang sira sa Submarine Cable lalo na’t umaabot sa 9.32 kilometers ang haba nito.
Ang Submarine Cable ang nagdadala ng kuryente papunta sa isla ng Siargao, Surigao del Norte.
Inihayag ni Dagooc, inisyal na kumuha na sila ng iilang eksperto para sa pagsasagawa ng pagkumpuni at ngayong araw darating naman ang mga divers na mangunguna sa pagsisid sa dagat.
Una nito ang pagkuha ng video footage nang makita ang sira at nang mai-ahon ang bahagi ng naputol na Submarine Cable.
Inamin nito na hindi pa matantiya kung ilang araw o buwan bago makumpuni ang sira at pinabulaanan nito na walang katotohanan ang mga spekulasyon na sinabotahe nila ang pangyayari.
Dagdag pa nito, humingi na sila ng tulong sa National Electrification Administration para sa solusyon sa problema at kung posible na makapag-loan sa pondong gagamitin sa pagpapa-ayos ng sira. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق