INAMIN ng General Manager ng Siargao Electric Cooperative (SIARELCO) na si Sergio Dagooc na hanggang sa mga oras na ito patuloy pang kinukumpuni ang nasirang Submarine Cable kaya wala pa ring linya sa kuryente ang buong Siargao Island.
Ayon pa sa kanya, minamadali nila ang trabaho kaya nga 24 oras at kahit noong Sabado at Linggo patuloy ang pagtatrabaho ng kanilang personahe kasama na rin ang mga divers na kinuha mula Davao City, gamit pa sa pag-ahon sa nasirang bahagi ng Submarine Cable ang isang nirentahang barge.
Tinukoy ni Dagooc, hindi sila nagpapabaya kaya nga puspusan ang kanilang pagkukumpuning ginagawa.
Inihayag nito napag-alaman na dalawang bahagi sa lampas 9 kilometrong Subamarine Cable ang nasira, una sa may Cagdianao, Dinagat Province at pangalawa sa may Brgy. Helen, Socorro, Surigao del Norte.
Binigyang diin ni Dagooc, gusto nilang mapadali ang pagpapakumpuni dahil malaki na rin ang nawawalang kita ng Electric Cooperative epekto sa 10 araw nang walang kuryente sa buong isla ng Siargao.
Inamin nito na hindi rin niya matantiya kung kailan babalik ang kuryente hanggang hindi pa natatapos ang isinagawang repair.
Diumano’y nagpatulong na siya sa National Electrification Administration at Dept. of Energy (DOE) sa naturang problema.
Nanawagan pa si Dagooc sa ilang mga miyembro konsyumers ng SIARELCO na magbayad ng kanilang Electric Bill sa buwan ng Marso dahil ang pondo ay gagamitin nila sa isinasagawang pagkukupmpuni sa Submarine Cable.
Nagbabala rin ito sa mga hindi magbabayad na silay puputulan ng linya ng kuryente base na rin sa napagkasunduan ng SIARELCO Board of Directors. (rmn)
2 comments:
in time with the massive blackout in Mindanao ha. but for different reason. great!
an pangutana amu ine: basi tenojo lagi iton kay election time na man.....sir walay tana sabwatan nijo ni cong. lalo matugas jaon na problema.....ha.
Post a Comment