DISMAYADO si Surigao City Vice Mayor Rico Salvador Sering na walang nangyaring regular session ng Sangguniang Panlungsod kahapon.
Ito’y matapos na walang quorum, dalawang opisyal lamang ang dumalo, ang Presiding Officer na si Vice Mayor Sering at si City Councilor Christopher Bonite.
Ayon pa kay Sering, inaasahan na niya na walang session na mangyayari lalo na’t nagsimula na ang campaign period pero sana isipin ng kanyang mga parehong opisyal na kahit nangangampanya na, sana’y ang araw ng Huwebes ay bigyan ng priyoridad dahil ito ang regular na session.
Tinukoy nito, sana isipin ng lahat ng mga incumbent officials lalo na sa Sangguniang Panlungsod na kahit na nangangampanya, sila’y may responsibilidad pa rin bilang mga legislators lalo na’t sa Hunyo pa matatapos ang kanilang termino.
Dagdag pa ni Vice Mayor Sering, umaasa siya na sa susunod na linggo marami na ang dadalo sa kanilang session lalo pa’t nakasaad sa Local Gov’t Code na hanggang apat na beses lamang na sunud-sunod na walang session ay mananagot sila sa batas. (rmn)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق