Home » , , » Sa Surigao: Nagpaparehistro sa nalalapit na SK Elections maliit lamang ang bilang ayon sa Comelec

Sa Surigao: Nagpaparehistro sa nalalapit na SK Elections maliit lamang ang bilang ayon sa Comelec

INAMIN ng mga opisyal ng Commission on Elections sa Surigao City na maliit lamang ang bilang ng mga nagpaparehistro para sa nalalapit na eleksyon sa Sangguniang Kabataan.

Ayon kay Remedios Bardon, ang Election Officer II ng COMELEC, kahit na deadline na kahapon sa mga nagpaparehistrong kabataan, umaabot lamang sa mahigit 4,000 ang kabuuang bilang, mas maliit ang bilang kung ikumpara noong mga nagdaang eleksiyon ng SK na kung saan 5,000 ang opisyal na naitala.

Tinukoy nito, posibleng hindi interesado sa nalalapit na eleksiyon ng SK ang nakararami lalo na’t ang dalawang malalaking barangay gaya ng Taft at Washington ay wala masyado ang nagpaparehistro.

May mga report ding natatanggap ang Radyo Mo Nationwide na diumano’y binayaran ang iilang kabataan na lumipat ng lugar kung saan sila boboto at ang bayad ay mula P500 hanggang P2,000 bawat isa.

May mga magulang din mismo na siyang nagdadala sa mga anak para magparehistro dahil sa paniniwalang magkakapera ang mga ito sa nalalapit na eleksyon. (RMN News)
Share:

1 comment:

Anonymous said...

MAKAPAL TALAGA ANG MUKHA, THEY ARE REALLY SELLING THEIR VOTES. WHAT A PITY . PARENTS ARE TEACHING THEIR KIDS TO BE CORRUPT TOO. WHY ARE THESE CANDIDATES BUYING THESE VOTERS FOR 500 TO 2000 PESOS A PIECE?WHERE DID THEY GET ALL THESE MONIES.? AND WHAT ARE THE INCENTIVES WHY THEY HAVE TO SPEND THAT MUCH ?IS IT BECAUSE OF THE WORD{ HONORABLE] OR LOTS OF MONEY TO STEAL FROM THE BARANGAY PROJECTS. OUR COUNTRY WILL NEVER PROSPER BECAUSE OF THESE GREEDY THIEVES . COMELEC SHOULD BE VIGILANT AND PUT AN END TO THESE.

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

Name

Email *

Message *

About Us

Your news and information authority

Categories

Blog Archive

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger