INIREKOMENDA ng Sangguniang Panlalawigan ng Surigao del Norte ang pagpapa-relieve sa Warden ng District Jail na si Senior Inspector Nelson Sumando.
Ito’y matapos naunang nagreklamo ang Women’s Group ng Gabriela sa probinsiya sa ipinatutupad na Strip Inspection.
Ayon kay Surigao del Norte Vice Gov. Arturo Carlos Egay Jr. ang resolusyon sa rekomendasyon sa pagpapa-relieve kay Sumando ay nakatakdang ipaaabot sa Bureau of Jail Management and Penology base na rin sa kagustuhan ng Chairman sa Committee on Public Order and Safety na si Board Member Edgar Andanar at Committee on Women, Gender and Development sa pamamagitan ni Board Member Myrna Romarate.
Diumano’y nakita nila ang procedural lapses na nagawa ni Jail Warden Sumando nang ipatupad ang Strip Search at ito’y paglabag sa karapatan ng mga babaeng dalaw.
Bilang reaksiyon sa rekomendasyon ng Sangguniang Panlalawigan, sinabi ni Senior Inspector Sumando na siya’y maghihintay na lamang sa magiging desisyon ng BJMP Higher Headquarters ngunit binigyang-diin na ang Strip Inspection ay isinagawa nang walang mga illegal na droga, cellphone at armas na makapasok sa bilangguan.
Matapos ang reklamo ng Gabriela diumano’y itinigil na ang Strip Inspection. RMN-Surigao
هناك تعليقان (2):
SO WHY ARE YOU AFRAID OF BEING STRIP SEARCH IF YOU DONT HAVE ANYTHING TO HIDE? WITH DRUG ADDICTS,RAPIST AND MURDERERS IN JAIL WHO KNOWS WHAT THIS WOMEN ARE BRINGING INSIDE. I AM IN FAVOR OF THIS PRACTIVE OF STRIP SEARCHING WOMEN AS LONG AS THE WOMAN POLICE OFFICER DO IT OR IF YOU HAVE AN XRAY MACHINE THAT WILL DO IT.WE HAVE TO MAKE SURE THAT THERE IS NOTHING ILLEGAL THAT THIS VISITORS BRING INSIDE THE JAIL TO AVOID JAIL BREAK ETC THIS INSPECTOR MAYBE IS JUST DOING HIS JOB TO PROTECT EVERYBODY.
Stay on with the search but do a same gender search. Simple. Also study ways of searching.
إرسال تعليق