UNTI-UNTING bumaba na ang kaso ng dengue sa Surigao City.
Ito ang inamin ni Dr. Aldine Morales, ang city health officer.
Tinukoy nito, umaabot na lamang sa 25 ang nagpositibo sa dengue virus ngayong buwan, kung ikumpara noong nakaraang buwan na umabot sa 48.
Binigyang-diin ni Dr. Morales, posibleng pagbaba ng kaso ng dengue dahil sa pinaigting na kampanya sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Kasama na rin ang pagpapaalala sa publiko na palaging maglinis ng paligid.
Simula pa noong Enero hanggang Setyembre, umabot na sa 230 ang kaso ng dengue sa Surigao City. (RMN)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق