Pursigido umano ang liderato ng Kamara sa pagpapasibak kay Dinagat Islands Rep. Ruben Ecleo Jr., kasunod ng pinal na hatol dito ng korte sa tatlong kaso ng katiwalian.
Sinabi ni House Majority Leader Rep. Neptali Gonzales na hinihintay na lamang nila ang kopya ng "certificate of finality" sa ipinalabas na desisyon ng Sandiganbayan para aksyonan ang explusion proceedings laban kay Rep. Ecleo.
Ginawa ni Gonzales ang pahayag sa harap na rin ng apela ni Ecleo sa mga kasamahang kongresista na hintayin munang maresolba ng Supreme Court (SC) ang inihain nitong "extremely urgent motion."
Naniniwala pa ang liderato ng Kamara na delaying tactics na lamang ng kongresista ang paghahain ng apela.
Sa naunang panayam ng Bombo Radyo sa kapatid ng kontrobersiyal ng kongresista, sinabi ni Dinagat Island Vice Governor Jane Ecleo, na nakahanda umano ang kanilang pamilya na tanggapin anuman ang magiging hatol ng Kamara sa kaso ng kapatid.
Sa panig ni House Speaker Feliciano Belmonte, sinabi naman ng opisyal na maari umanong magtalaga na lamang ng caretaker ang liderato ng Kamara na hahalili sa mababakanteng puwesto ni Ecleo sa mababatang kapulungan. (BRadyo)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق