Umamin na ang isang grupo ng mga rebelde na sila ang responsable sa pagpasok, panunog ng mga heavy equipment at pagkumpiska sa iilang lisensiyadong baril ni dating Mayor Chary Mangacop ng Placer, Surigao del Norte kamakailan.
Sa isang email na ipinaabot ng isang Ruby Guerra, inihayag nito na ang isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan Front 16 ang gumawa sa Raid sa bahay ni Mangacop sa Km. 8, Brgy. Bonifacio, Surigao City.
Inamin ng mga ito na sinira nila ang mga heavy equipment dahil diumano’y ginagamit ito sa malalaking pagmina. Tinukoy nito na ang mga makinarya ay nakakontrata sa Taganito Mining Corp., isa sa malalaking kompanya sa mina na umuubos sa mga mineral ng rehiyon at sumira ng mga bukirin ng Surigao del Norte.
Dagdag pa, ang malalaking pagmina ay madali at grabeng makasira ng kalikasan. Ang mga pagbaha sa rehiyon ay epekto ng pagkakalbo ng mga bukirin at pagkawala ng lupa kaya wala nang makaharang sa tubig. Diumano’y marami ang nasira sa pamumuhay ng mga tao lalo na ang mga lugar na walang pakundangan ang mina. Ang mga tao ang naghihirap samantalang ang mga malalaking kompanya nakatamasa ng magandang bunga. (Jocelyn Ferol/RMN-Surigao)
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق