Home » , , , » Pamilya ng guro na namatay sa pagsisilbi sa nagdaang eleksiyon sa Surigao, humihingi ng tulong

Pamilya ng guro na namatay sa pagsisilbi sa nagdaang eleksiyon sa Surigao, humihingi ng tulong

HUMIHINGI ng tulong ang pamilya ng guro na namatay habang nagsilbi noong nakaraang eleksyon.

Itoý matapos nahulog sa sinasakyang single na motorsiklo habang dala-dala ang ballot box mula sa Mainit, Surigao del Norte papunta sana sa lungsod para sa pagpaabot ng resulta ng nasabing eleksiyon.

Kung matatandaan si Germa Ruizol, 47 taong gulang ay nahulog at nabagok ang ulo mga 9 na buwan na ang nakakaraan at noong Hulyo 13 ay binawian ito ng buhay.

Ayon sa asawa nito na si Rodelito Ruizol, mula nang maaksidente si Germa Ruizol hanggang sa mga oras na ito, wala pang tulong na ipinaabot ang Department of Education at Commission on Elections.

Diumanoý pabalik-balik na siya sa naturang mga tanggapan ngunit sinasabi ng mga ito na nasa National Office pa ang request.

Inihayag nito, umaabot sa mahigit P300, 000 na personal na pera ang kanilang nagagastos noong nabubuhay pa ang kanyang asawa sa mga gamot at bayad sa araw-araw sa Butuan Doctor’s Hospital.

Hindi pa kasama nito ang utang nila na mahigit sa P365, 000 bilang professional fee ng mga doktor na nag-opera sa ulo ng kanyang kabiyak.


Sa kampo naman ng Comelec, naunang sinabi ni Atty. Francisco Pobe, ang Regional Director ng Caraga na may P200,000 na pondo at itoý nasa DepEd National Office na, itoý bilang pagsunod sa Memorandum of Agreement sa dalawang ahensiya na kung may mamatay o maaksidente may insurance ang mga ito na matatanggap lalo na ang mga nagsilbi sa eleksyon.

Diumanoý bilang protocol, idinaan nila sa DepEd ang P200,000 ngunit palaisipan sa kanila kung bakit hindi pa ito naipapadala ng naturang ahensya sa pamilya Ruizol.

Si Rodelito Ruizol ,naunang sinabi nito na kung P200,000 lang ang matatanggap na tulong nila mula sa Comelec ay hindi na niya ito tatanggapin dahil kulang ito na pambayad sa mga doctor na gumawa sa operasyon, diumanoý mag-aabono pa siya ng P165,000 mula sa kabuuang P365,000 na utang nila sa naturang ospital hanggang sa mga oras na ito hindi pa nababayaran.

Ngayong araw ililibing na si Germa Ruizol sa kanyang bayan sa San Ricardo, Southern Leyte. (Jocelyn Ferol/RMN Surigao)
Share:

No comments:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

Name

Email *

Message *

About Us

Your news and information authority

Categories

Blog Archive

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger