Home » , , , » Bagong chief of police ng Surigao City, itinalaga

Bagong chief of police ng Surigao City, itinalaga

Marine Engr. Jonelito Espinosa Razona donated a digital ALCOHOL BREATHALYZER
to new City Chief of Surigao Police PSupt. Alfonso G. Pagkaliwagan Jr. (Photo: Jun Clerigo)
ITINALAGA na ang bagong Chief of Police ng Surigao City.

Kinilala ito na si Police Supt. Alfonso Pagkaliwagan Jr. na dating nagsilbi na Deputy Officer ng PNP Provincial Office ng Dinagat Province.

Matapos ang iilang buwan na nagsilbing Officer In Charge si Police Senior Inspector Dick Cale, may utos na sa PNP Higher Headquarters na may permanente ng Chief of Police sa katauhan ni Supt. Pagkaliwagan.

Ito rin ang pinili ni Surigao City Mayor Ernesto Matugas sa posisyon mula sa limang pangalan na pinagpilian.

Sa pag-upo nito sa posisyon, binigyang diin ni Supt. Pagkaliwagan na palalawigin niya ang kampanya laban sa lahat ng illegal na aktibidad gaya ng illegal gambling, illegal drugs, kasama na rin ang pagbibigay solusyon sa sunud-sunod na nangyayaring pagnanakaw at kung ano-ano pa.

Dagdag pa nito, ibabalik na niya sa orihinal na sistema na kung saan magiging centralized ang pamamalakad sa City PNP.

Ang dalawang binuong police precinct sa Brgy. Taft at Washington ay ibabalik na ang pagtanggap ng mga reklamo sa Central PNP kasama na ang pagtatala ng blotter ngunit ang mga tauhan naman ay mananatili doon at sila ang magsagawa ng pagresponde sa mga krimen na mangyayari.

Binigyang diin ni Supt. Pagkaliwagan na wala siyang sasantuhin sa kanyang kampanya laban sa illegal na aktibidad at kahit sinong mga pulis na nagsilbing protector ay kanyang huhulihin at papanagutin sa batas. (Jocelyn Ferol/RMN-Surigao)
Share:

No comments:

Popular Posts

Featured

The exciting lineup: 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival Contingents Revealed!

Are you ready to be swept off your feet by an explosion of color, rhythm, and culture? The 39th Bonok-Bonok Maradjaw Karajaw Festival is jus...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

Name

Email *

Message *

About Us

Your news and information authority

Categories

Blog Archive

Recent Posts

Copyright © SURIGAO Today | Powered by Blogger