Home » , , , » Task force sa Surigao City sa pagmo-monitor sa mga internet café, muling magiging aktibo

Task force sa Surigao City sa pagmo-monitor sa mga internet café, muling magiging aktibo

MULING magiging aktibo ang Task Force na binuo sa Surigao City sa pagmo-monitor sa mga internet cafe na hindi sumusunod sa city ordinance na nagbabawal sa mga menor de edad na papasukin at pahintulutan na maglaro ng mga computer games kahit na araw ng klase.

Ito ang inihayag ni Mayor Ernesto Matugas, itoý matapos na humingi ng tulong si City Councilor Flor Laxa, ang Chairperson sa Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod.

Ayon sa alkalde, nag-alala si Councilor Laxa lalo na’t maraming mga magulang ang nagrereklamo na ang kanilang mga anak ay hindi na pumapasok sa eskuwela at nasa mga internet cafe na lamang, naglalaro ng computer games.

Diumano’y marami sa mga ito ay bumabagsak sa kanilang mga subjects dahil sa naturang bisyo.

Inihayag ni Mayor Matugas na base sa rekomendasyon ni Vice Mayor Danilo Menor, ang lokal na pamahalaan ay bibili ng dalawang multicab nang magamit ng task force sa paglilibot at kung sinumang may-ari sa internet cafe na hindi sumunod sa ordinansa ay mananagot, kung 1st offense ay magbabayad ng multa at kung ilang beses na ginawa ay hindi na ma-renew ang business permits ng mga ito. (Jocelyn Ferol/RMN-Surigao)
Share:

ليست هناك تعليقات:

Popular Posts

Featured

Surigao City offers free palay hauling assistance for farmers

Surigao City – The Local Government of Surigao City, through the City Agriculture Office, is extending its full support to local farmers wi...

Ads

Post your ADS here

Featured

Contact Us

الاسم

بريد إلكتروني *

رسالة *

About Us

Your news and information authority

Categories

أرشيف المدونة الإلكترونية

Copyright © 2025 SURIGAO Today | Powered by Blogger