By: Jocelyn Ferol
Iilang minuto pa lang nang ideklara na fireout ang sunog na naganap sa may City Boulevard, Surigao City.
Ayon kay Aga Manangkiran, ang President eng Surigao Muslim Association, alas 2:20 kaninang hapon nagsimula ang sunog na kung saan diumano’y may isang lalaki na bumili ng paputok at sinindihan ng lighter sabay na inihagis sa mga Stalls na punung-puno ng mga paninda ng pyrotechnic materials.
Umaabot sa 17 ka Stalls ang nasunog at lampas P1 milyon ang halaga ng naabo. Dagdag pa nito, hinabol pa nila ang lalaki ngunit hindi na naabutan pa.
Tinukoy naman ng Officer In Charge ng Bureau of Fire Protection na si SFO3 Felipe Ladaga na umabot sa 20 minuto ang sunog at hanggang sa mga oras na ito patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan.
Dumating rin kanina sa pinangyarihan sa sunog si Acting Mayor Danilo Menor at matapos ang deklarasyon ng Fire Out ay nagpatawag ito ng Emergency Meeting nang matukoy kung anong hakbang na gagawin at kung papayagan pa ba ang mga nagtitinda ng mga paputok sa pagdisplay at pagbebenta ng pyrotechnic materials. (RMN)
No comments:
Post a Comment