Photo credit: |
By Jobert Sucaldito
Bandera
WE’RE finally back sa Manila. Kahapon pa actually kami dumating nina Pilar Mateo, Julie Bonifacio, Boy de Leon and Dominic Rea. We spent the whole week (July 10-17) sa Carrascal, Surigao del Sur sa imbitasyon ng napakaguwapo , batambata at napakabait nilang mayor na si VJ Pimentel.
They celebrated their week-long Pahinungod Festival via a very successful and star-studded events from Monday to Saturday.
Kami ang personal na nag-asikaso sa mga nagdatingan artists doon – Monday with Jaya, AJ Tamiza and Anton Diva; Tuesday with Michael Pangilinan, Morisette Amon, Boobsie Wonderland and Randy Santiago; Wednesday with Marco Sison, Kyla, Rowel Quizon and Imelda Papin; Thursday with Hale and DJ Jennifer Lee; and Friday with napakabait na Sam Pinto, maarte at supladitang Jessy Mendiola, Julie Ann San Jose, Tammy Brown, Pepay and Billy Crawford.
We stayed at LCA Resort pero every dinner time ay doon kami kumakain sa mansion ng mag-amang Gov. BB Pimentel, Jr. and Mayor VJ Pimentel kung saan lagi bumabaha ng pagkain. Bale courtesy call na rin ng mga artists ito sa mga opsiyales ng nasabing bayan. You can feel na fiestang -fiesta talaga kaya nagsipagbundatan kaming lahat.
Nakakaloka dahil feeling namin ay nagsipagtabaan kami sa Carrascal. Kasi nga, open kami sa pag-order lang ng food sa LCA Resort dahil napakasarap magluto nitong chef nilang si Erwin – ang badingding na kakilala pala namin dahil he used to work for Gov. Chavit Singson before.
###
Anyway, personal siyang sinundo ni Mayor VJ Pimentel sa Butuan Airport at doon dinala sa mansion – special treatment kumbaga . Pagdating nila sa mansion, personal na inasikaso ni Mayor VJ ang lunch nila pero ang ginawa nitong starlet na ito, dumiretso lang sa room niya and hindi na lumabas. Nagpakuha siya ng food sa kaniyang mga assistants at doon kumain sa kuwarto niya.
Lumabas na lang siya bandang 8 p.m. na para sa courtesy dinner sa dining area ng mansion. Pero heavily-guarded siya ng bitbit niyang mga tao at halos hindi magpakuha ng pictures. Kaloka , di ba ?
Doon na ako nagalit, masyado siyang prima donna. Nang makarating sa kanila na nagagalit na ako, saka lang nila na-realize na mali sila. Akala nila ay makakaya nila kaming ilagay sa bulsa nila. Hanggang sa pumayag na raw si Jessy na huwag na siyang mag-finale.
Nakakaloka pala ang babaeng ito. FHM Sexiest pa lang ang title niya nagkaganoon na siya . Mula pagdating hanggang pag-alis niya ng Carrascal ay sakit ng ulo ang dulot niya. Feeling star at wala sa lugar .
Ito ang mga tipong mabilis malaos, walang pakisama. Ang gusto niya siya ang nasusunod sa lahat. Pag siya ang nakatuluyan ni Luis Manzano, ano kaya ang magiging relasyon niya kay Vilma Santos? Hindi kaya ingudngod siya ni Ate Vi sa inidoro?
Anyway, our journey sa Carrascal, Surigao del Sur was very fruitful. Minus this Jessy issue na Ito, it would have been perfect. (Bandera)
Read more: http://bandera.inquirer.net/126239/jessy-nag-inarte-sa-fiesta-5-ang-bitbit-ng-bodyguard-sa-surigao#ixzz4EudPQAop
No comments:
Post a Comment